Monday, March 14, 2011

Regular o with Cheese? Regular po!

Napakabilis ng panahon... hanep sa intro, para lang narration sa pelikula o drama sa TV.
Nung isang taon, sa ganitong panahon sobrang paranoid na ako sa pag-hanap ng trabaho. Ang work ko kasi instructor sa private school. No work no pay. Kelangan ko maghanap ng work before magbakasyon dahil practically, unemployed na ako by April.

There was an instance na interview ko ng Lunes, written exam ng Martes, panel interview ng Miyerkules at demo teaching ng Huwebes, - sa Bataan, Pampanga, Tarlac at Makati sa iba't ibang companies.

Ngayon, sinisilip ko ang budget ko kung pwede mag-treat para sa first anniversary ko sa office on M
arch 24, 2011. After 9 years ng kungsaan saan ako napadpad na trabaho, Regular na ako - sa gobyerno.

Kapag tinatanong ako ngayon kung regular na ako, "opo, regular" na ang sagot ko. Dati, sa Jollibee ko lang naisasagot yun.


In-as much as gusto kong gumawa ng bagong post for this, lahat ng gusto kong sabihin ang naroon na sa entry ko sa contest last October 4, 2010. Wala ko balita sa result. Basta ang huli kong alam, 70 inspiring stories ang contest - which means 70 ang winners, pero 40 lang daw entries.

Anyways, eto po ang manuscript nun.

******


Unang Sabak sa Census of Population

Sa ngayon, wala munang diet at puwedeng laging hulas at makutim ang hitsura ko.


Ito man ang mga naglalaro sa isip ko, sabik na akong magtanong ng “Ilan po kayong nakatira sa bahay?”. Sa supervision ko ng 2010 Census of Housing and Population, masayang maalala na nakalimang beses ako nagsoftdrinks at apat na beses naghalu-halo sa field. Na-spot check ko rin ang bahay ng albularyo kung saan ako nagpatawas, para malabanan na ang kamalasan ko sa buhay.


Alin nga ba sa mga mumunti kong karanasan ang karapat dapat kong ibahagi? Natatanging pagkakataon na pagkulumpunan ako ng mga enumerators para tanungin sa mapa ng mga assigned areas nila. Nang malaunan, ang mga sumbong nila sa mga ayaw magpaunlak ng panayam.

Mayroon din namang galit na mga teacher nang hindi umabot sa full honorarium. Sa saturation ng negative na bilang ng households at population, sinamahan ako ng konsehal para hanapin si kapitan sa sugalan. Maari ring ang matagal naming paghIhintay nang dumalo kami ng sesyon sa Sangguniang Bayan para ayusin ang boundary dispute ng dalawang barangay.


Bilang baguhan, ang mahalaga ay may natutunan sa maging sa malillit na karanasan. Matapos kong lambangin ang mga sagot sa tanong nila sa boundaries, inamin ko na ring hindi ko rin naiintindihan ang mapa. Sa mga ayaw magpa-interview pwede na ba silang ikumpara sa nagsisintemyentong mga sample households ng Labor Force Survey. “Bakit ba kami ang napipili diyan? Ilang taon na, hindi pa rin kami napapalitan”, naisip ko na lang, hindi ba talaga nakakatuwang mabunot sa raffle na walang premyo?


Kahit hindi magandang karanasang talakan ng guro, hindi maaring mawala ang respeto sa kanila pati na ring kay Kapitan. Ayon kasi kay konsehal, naglilibang lang daw. Sa bawat gusot, gaya ng boundary dispute, laging may lusot. At maging sa haba ng paghihintay darating din ang takdang oras.


Parang kailan lang, hindi ko maipangako sa job interview magiging matapang ako sa mga lugar kunsaan may posibilidad akong ma-hostage. Muntik ko na rin ikatwiran ang astrology sa tanung na bakit hindi pa rin ako napalagay sa aking mga nakaraang trabaho. Naniniwala man akong sa buhay ay may tsamba at pwedeng bumulong sa alapaap; sa Census kailangan laging totoo, tama at kumpleto. Matapos kong pagsumikapan o masuwertehan, dalawang buwan na ang lumipas at nasabak na ako sa una kong Census of Population.


Napakalayong maikumpara ako sa alak gaya ng mgabeteranong field officers. Hindi rin naman ako dapat matulad sa softdrinks na “kapag nalamig lang nasarap”; ang dapat sakto - umaaraw man o umuulan. Pero sa tingin ko enjoy maging parte census, para lang halu-halo, “habang nalalim, nasarap”.


Sa ngayon,

hindi pa ako nakagat ng aso. Napagsungitan na rin ako, pero hindi grabe. Higit sa lahat hi

ndi pa ako na-hostage. Lagi man akong matatanong kung puwede magrequest ng birth certificate o kaya’y nabibiro kung pwede magpabura ng record ng kasal sa mga pilyo kong kakilala, alam kong “Kabilang ako!” sa may karangalang maging bahagi ng 70 taon ng National Statistics Office.


Field work ang nakuha kong trabaho. Anu ngayon kung nakakagutom mag-enumerate, sobrang init na dahil sa climate change at lagi akong may natural tan? Ang mahalaga, sa wakas naregular na ako gobyerno - tuksuhin man akong midnight appointee ngayong May 2010 elections.


Nang minsan sumuntok ako sa buwan, nagsi-puwesto ang mga bituin at tumama ako sa raffle na habang buhay ang premyo.

*****

Maikli lang po, contest kasi. May limit ang number of words.

0 comments:

Post a Comment