Saturday, March 13, 2010

anonymous? i-google ang sarili.


Pwede na bang maging mapantayan ng kasikatan na-igoogle ang sarli - siyempre kapag may lumabas, success?

Super try ko yan, simula nang matuto ako mag-internet mga 10 or 11 years ago.

Sa Richard Guevara marami lumalabas... pero hindi ako.

Mostly mga argentinian or something, uy, kaproud ko pa na may namesake ako ng may mataas na katungkulan sa Price Water Coopers.

Pero first time ko talagang makita ang name ko na ako na - search ko "Richard Guervara Friensdter". hindi masyadong exciting kasi kaya lang lumabas kasi may account ako dun.

Bukod dun, dito na sa blog ko.

Kahapon lang, i had a chance na mag-reunion kmi nina Janice (janice ian juban) at Ross (Rosalyn Javier -on a not-so-good okasyon). iniinsist niya na CPA na ako. kasi nag-google cia ng full name ko, MEL RACARDIOS. and so on.. Nakita niya ung enlistment ng examinees, hindi ng passers. Wala ka pala talaga itatago sa PRC na kahit ilihim mo ang pag-take mo ng board exam. Hindi naman sa sine-sekreto ko talaga. Sana wala na masyado mag-google ng full name ko, not unless in the future makita na talaga sa successful board passers.

Last thursday lang, isa sa mga essay exams ko for job aplication (yes naghahanap po ako ng job!), "what is your interpretation of success?" Nalimutan ko pla i-joke na - one way is "GOOGLE yourself".

Sana naman ma-appreciate nila ng answer ko. hindi plastic na "it can not be measured by material things" dahil sabi ko pa nga sad ako sa mga bagay na wala ako. Lately pa nga, just the thought na we graduated college 10 years ago, natatakot na ako sa class reunion.

In a few days, magbabago na naman ang statistics ng Pilipinas, lilipat na ang bilang ko sa unemployed.

Ewan ko ba na-lost ko na an magic. Wala nang maniwala sa sincerity/confidence-bordering-daw-to-conceit ko sa interview at di na rin mabenta na nagka-cancer ang mommy ko nung graduating ako kaya walang chance na makapag review po ako for CPA board.

For now, google na lang ang lolo ko (crispulo torrico) - na after 18 years of his death, may result...

Isa siguro nga iyun sa success, ang lolo ko matagal nang patay pero na-rerecognize pa rin - bilang ex mayor at tagapagtaguyod ng kapakanan ng simbahan. Eto na siguro ang sagot kung tinanong cia ng "how would you like to be remembered?"

Tinanong na rin sa akin sa interview yan. Napaghandaan ko naman ang sagot ko. "Honestly, it does not concern me, if people would remember me. what's important is i was able to do my piece." Totoo naman, hindi ko naiisip yan, kailangan ko ng trabaho at magtrabaho. wala sa akin ung remember-remember na yan sa panahong wala akong pera.

Guess what? hindi na ako tinawagan ng HR na iyon matapos ang huling salitang binitiwan niya. "Don't call us, we'll call you.

Ako. Mahaba pa naman siguro buhay ko. Maraming chance pa ma-google, sa CPA board, baka lotto winner (teka sine-sekreto pala un), or Carlos Palanca awardee. Let's see.

(bale nagpost kc ako sa isang blog about lolo, chi-neck ko kung lalabas pag-search ko. hehe may lumabas nga sa ibang site. siya eto. acknowledge ko lang po na excerpt eto from that site http://www.lawphil.net/judjuris/juri1996/nov1996/

0 comments:

Post a Comment