Friday, June 12, 2009

Happy 1st Father's day to me!




"Anu ang kinabukasan ang naghihintay sa anak ko? ang ekonomiya ng pilipinas, ang gobyerno ay walang magawa. Hanggang ngayon contractual na empleyo pa rin ako."

Dati, dahil writer nga ako kuno na sumusubok lumaban sa contest, ang pinagdidiskitan kong scenario ay nasa labas ako ng operating room ng hospital. Naghihintay sa paglabas ng baby ko at ng nanganganak kong asawa.

medyo obvious na ba na ang training ko ng writing is ung "pandesal" scenario. Sa umpisa ng essay, magbubukas ng takip sa hapag ang bata para mag-almusal.

"Itay, bakit ganito araw-araw paliit ng paliit ang pandesal?"
"Hayaan mo anak pag nakahanap ng maganda trabaho ang tatay mo baka makabili na tayo ng masarap na almusal".

then, ratatat. tirahin ang gobyerno sa buong essay kunporme kung ilang words ang sabi ng contest or kung gaano kalaki ang space mo sa newletter. Sa ending, balikan almusal ng mahirap ng pamilya. Pagbukas ng takip sa hapag.

"Itay, bakit wala nang pandesal sa hapag?"
"Anak, wala na tayong pambili ng almusal."

Wow, galing neh. thanks to sir Jorge Canare (prof ng T. Del Rosario College).

Pero siyempre luma na ang pandesal na yan. Di ko na pwedeng ulitin. kung anu-anu na ang kwentong naimbento ko pag gumagawa ako ng composition. Isa nga sa naisip ko iyung lalaki na nangangamba sa kinabukasan ng anak na ngayon pa lang ilalabas. Sa hirap ng buhay paano ko mabibigyan ng magandang future ang baby. At batikusin ang gobyerno ng umaatikabo. ang galing ko neh? drama kung drama.

alam ninyo ba? never kong ginamit sa mga sulatin ko iyun. Magiging fake ung essay kasi hindi naman ako dumaan sa ganon that time.

recently, 53 days ago, i was on that scenario. mali nga. hindi ko na maiisip iyon pag nasa ganun kang sitwasyon. Gusto ko nang lumabas ang bata at makita ang bunga ng kakisigan ko. he he. Ang concern ko that time, ung misis ko huwag mahirapan, walang maging aberya at manganak siya ng hindi cesarian.

para sa baby, dapat kumpleto ang parte ng katawan, walang butas ang baga, hindi malaki ang ulo (hydroce-something), ung puso tama ang heartbeat, walang balat (birthmark) sa mukha at given naman na sana buhay as in alive and crying (patahanin na lang afterwards).

ung gobyerno at ekonomiya, pati puli-pulitiko ang layo sa isip ko niyan nung nasa exact scenario na ako.

Enjoy the baby, tsaka na ang ekonomiya. Sa bilis ng panahon (minsan parang mabagal kasi gusto ko na lumaki si Erasmus) at sa dami ng dapat asikasuhin sa bata, madalas nalilimutan ko ang mga pangyayari.

Madalas akong tinatanong kung ano ang feeling. Siyempre dapat ang sagot ko "proud po". Naitayo ko na ang flagpole, lalaki pa ang panganay ko. Nagwoworry ako, may sugat pa si mrs sa.. dun. Napaparanoid ako, baka bulag or pipi or malambot pala ang legs kasi after ilang months pa malalaman. Dahil nga sa mga iyon, di pa magsink in sa akin.

One month na ang baby ko nung time na eto. Tag-ulan. Naipon na ang labahin. Naglaba na ako ng everest clothes namin. Sabi ni Mrs. isama ko na raw ang damit ni erasmus. Wala lang sa loob ko. Medyo kalagitnaan na ng paglalaba ko, parang nagca-cramps ang kamay ko.

"Kahirap naman maglaba ng mittens at dwarf medyas-es."

Teka ito na nga. Kablam! May anak na ko. Damit na ng baby ko ang nilalabhan ko!

Iyun pala ang pitik na hinihintay ko all along.

Happy Father's Day to me!

Advisory: Sana marami magtext, kung sinu-sinu pinagtetetext ko dati na father-friends ko. txtback sila this time. Tumatanggap din ako ng gift. Pwede na ang apple tree para sa farm (town) ko.

0 comments:

Post a Comment